Pag-apply sa Pondo
Sino ang maaaring magkapag-apply
Upang mag-apply para sa pondo, dapat ikaw ay:
- Residente ng Washington
- Hindi bababa sa 18 taon ang edad
- Sobrang naapektuhan ng pandemya (tulad ng nawalan ng trabaho, nahawa ng virus, o nag-aalaga ng miyembro ng pamilya na nahawa)
- Hindi kwalipikado na tumanggap ng pederal na dolyar na estimulo o pera sa seguro sa pagkawalan ng trabaho dahil sa katayuan sa imigrasyon
Paano mag-apply
Mag-apply online [link to application] sa ayon na mga wika: Intsik, Ingles, Pranses, Garifuna, Hindi, Koreano, Somali, Espanyol, Swahili, Tagalog/Filipino, Vietnamese.
1. Bago ka mag-apply, dapat mong:
- Ipunin ang iyong kinakailangang pagkakakilanlan at dokumentasyon sa paninirahan . Mapag-aaralan mo ang listahan ng aprubadong mga materyales sa immigrantreliefwa.org
- Kalkulahin ang karaniwang buwanang kita ng iyong sambahayan.
2. Pindutin ang pindutan na “APPLY” sa pahina ng aplikasyon pagkatapos ay pumunta sa pindutan na “REGISTER” at gumawa ng Account sa SurveyMonkey. Ilang minuto pagkatapos mong magpadala ay makakukuha ka ng email upang matiyakin ang iyong account. Kailangan mong maberipikahin ang iyong account
3. Kumpletuhin ang lahat ng mga tanong sa aplikasyon. Maaaring matagal ito. Maaari mong i-save ang iyong aplikasyon at bumalik anumang oras.
4. Kapag tapos ka na sa iyong aplikasyon, hanapin ang malaking berdeng pindutan na “SUBMIT” rupang isumite ang iyong aplikasyon
Pagkatapos mong mag-apply, mangyaring tiyakin na tingnan ang iyong inbox sa email o junk email folder para sa iyong kumpirmasyon. Makakukuha ka rin ng text message na kumpirmasyon sa araw na isinumite mo ang iyong aplikasyon. Maaari kang mag-log in uli at tingnan ang katayuan upang malaman kung ang iyong aplikasyon ay nirerepaso at kung ipinagkakaloob sa iyo ang pagpopondo. Mangyaring isumite ang iyong aplikasyon nang isang beses lamang.
Kung hindi mo gustong kumpletuhan ang aplikasyon sa online, imprentahin mo ang aplikasyong ito at ipadala ng koreo sa P.O. Box #84327, Seattle WA 98124. [link to PDF for mailing]
Kung kailangan mo ng tulong, mag-click dito, o tumawag sa 1-844-724-3737 (Lunes hanggang Biyernes 9 AM – 9 PM).
Kinakailangang mga dokumento
[H3] Kinakailangang mga dokumento
Bago ka mag-apply, ipunin mo ang mga kailangang dokumentasyon upang ipakita ang iyong pagkakakilanlan at ikaw ay naninirahan sa Estado ng Washington. Halimbawa, maaari kang magbigay ng kopya ng kard ng estado para sa pagkakakilanlan, lisensya sa pagmamaneho, o singil sa kabayaring bahay na may pangalan at address mo. Tingnan ang buong listahan ng tinatanggap na mga dokumento sa Madalas na mga Tanong.
View the full list of acceptable documents in our FAQ.
Sigurado at Walang Panganib
Ang personal na impormasyon mo ay hindi boluntaryong ibabahagi sa pamahalaan, ICE, tagapagpatupad ng batas, iyong kasero, iyong pinapasukan, o sa iba pa. Ang mga taong may akses sa personal na impormasyon ng aplikante ay ang Scholarship Junkies (ang organisasyon sa komunidad na nangangasiwa ng pondo) at ang Seattle Credit Union (na nagbabahagi ng pera) lamang. Lahat ng impormasyon ay ligtas na nakatabi sa isang encrypted na pormat kaya hindi ito makukuha.