Have a question not answered here? Please email relief@immigrantreliefwa.org
Upang mag-apply para sa pondo, dapat ikaw ay:
Ang mga aplikasyon ay tatanggapin sa batay na “unang dating, unang pagsisilbihan” dahil ang buong pondo ay limitado. Uunahin namin ang mga may pinakamatinding kailangan.
Oo, maaaring mag-apply ang sino mang nasa bahay mo kung kwalipekado sila sa pondo at mahigit na 18 taon ang edad. Bawat isa ay kailangang kumpletuhin ang kanilang aplikasyon. Hindi mahigit na 3 tao sa bahay ang makakatanggap ng bayad (pinakamatas hanggang $3,000 sa kabahayan).
Oo Ang Seattle COVID-19 Disaster Relief Fund para sa mga Immigrant ay para sa mga taong naninirahan sa Seattle. Ang Washington COVID-19 Immigrant Relief Fund ay para sa sinuman sa Washington. Kung nakatira ka sa Seattle, maaari kang mag-apply para sa parehong mga pondo.
Maaari kang mag-apply online, sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono, o sa pamamagitan ng koreo. Lahat ng tatlong opsyon ay magagawa sa Tagalog. Ang huling araw sa pag-apply ay Disyembre 6.
Bago ka mag-apply, dapat mong:
Pagkatapos mong mag-apply, mangyaring tiyakin na tingnan ang iyong inbox sa email o junk email folder para sa iyong kumpirmasyon. Makakukuha ka rin ng text message na kumpirmasyon sa araw na isinumite mo ang iyong aplikasyon. Maaari kang mag-log in uli at tingnan ang katayuan upang malaman kung ang iyong aplikasyon ay nirerepaso at kung ipinagkakaloob sa iyo ang pagpopondo. Mangyaring isumite ang iyong aplikasyon nang isang beses lamang.
Kung hindi mo gustong kumpletuhan ang aplikasyon sa online, imprentahin mo ang aplikasyong ito at ipadala ng koreo sa P.O. Box #84327, Seattle WA 98124.
Kung ikaw ay hindi makausad, tumawag sa 1-844-724-3737 (Lunes hanggang Biyernes 9 AM – 9 PM) para sa tulong sa iyong aplikasyon. Ang suporta ay makukuha sa maraming wika.
Pagkatapos mong mag-apply, makatatanggap ka ng mga update tungkol sa iyong aplikasyon sa pamamagitan ng email at text. Aabisuhan ka kung ang iyong aplikasyon ay tinanggap sa loob ng 3 linggo ng pag-apply. Kung ang iyong aplikasyon ay tinanggap, makatatanggap ka ng bayad sa loob ng 2 linggo pagkatapos nito.
Limitado ang ating pondo, kaya hindi lahat ng mag-apply ay makakukuha ng tulong sa ngayon.
Ito ang mga dokumento na maaari mong gamitin sa iyong aplikasyon upang patunayan ang iyong pagkakakilanlan at iyong paninirahan sa Estado ng Washington. Mangyaring tiyakin na mayroon kang malinaw na kopya ng alinman sa:
PHindi boluntaryong ibabahagi ang personal na impormasyon sa pamahalaan, ICE, tagapagpatupad ng batas, iyong kasero, iyong pinapasukan, o sa iba pa. Lahat ng impormasyon ay ligtas na nakatabi sa isang encrypted na pormat kaya hindi ito makukuha.Ayon sa aming kontrata sa Estado ng Washington, ang mga taong may akses lamang sa personal na impormasyon ng aplikante ay ang Scholarship Junkies (ang organisasyon sa komunidad na nangangasiwa ng pondo), Fair Work Center, at ang Seattle Credit Union (na magbabahagi ng pera). Hindi namin ibabahagi ang iyong impormasyon sa kanino man. Ngunit kung mayroong legal na subpoena, maaaring legal kaming kinakailangan na maglabas ng personal na impormayson. Malabo na mangyayari ito, ngunit hindi imposible.
Ang pondo ay pinangangasiwaan ng mga organisasyon sa komunidad na pinamumunuan ng mga imigrante sa Washington-ang parehong mga tao na nagtawag para mabuo ang pondo. Ito ay suportado at pinopondohan ng Kagawaran ng mga Serbisyong Panlipunan at Kalusugan ng Estado ng Washington.
Hindi. Ang tulong mula sa pondong ito ay itinuturing na isang beses na tulong sa kaluwagan sa sakuna at dapat hindi ituring na kasama sa panuntunan sa pampublikong pananagutan. Hindi dapat maapektuhan ng pagtanggap ng tulong mula sa pondong ito ang iyong kakayanang makakuha ng green card.
Maaari kang mag-apply upang tumanggap ng isang beses na direktang bayad na $1,000 kada tao, na may pinakamataas na $3,000 sa kabahayan. Maaari mong matanggap ang pera bilang cashier’s check o gift card (Visa).